^

Bansa

Pag-disqualify sa bogus partylists tama lang - Obispo

- Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Tama lamang ang ginawa ng Commission on Elections (Comelec) sa pagdiskuwalipika sa mga bogus na partylist.

Ayon kay Lingayen, Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz, nasa tamang direksiyon ang Comelec sa ginawang pagbasura sa mga petition ng ilang nagpapakilalang kinatawan ng napapaba­yaang sector.

Iginiit ng arsobispo na ibinabalik lamang ng Comelec ang tunay na kahulugan ng party-list na dapat ay marginalized sector ang kinakatawan at hindi ang interes ng iilan.

Naniniwala rin si Archbishop Cruz na maraming bogus partylists ang nahalal sa kapanahunan ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na dapat ay hindi na payagang makalahok sa 2013 midterm polls.

Nabatid rin kay Cruz na patuloy ang kanyang pagtunton sa mga partylist group na pinopondohan ng mga gambling lord at sa sandaling makumpleto niya ang mga dokumento at ebidensiya ay kanyang isusumite kay Comelec Chairman Sixto Brillantes.

ARCHBISHOP CRUZ

AYON

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES

CRUZ

DAGUPAN ARCHBISHOP EMERITUS OSCAR CRUZ

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

IGINIIT

LINGAYEN

NABATID

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with