^

Bansa

Judge sa Angeles City pinatalsik ng SC

- Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Sinibak ng Supreme Court (SC) ang isang hukom sa Angeles City, Pampanga hinggil umano sa kawalan ng kaalaman sa batas.

Sa per curiam decision ng SC en banc, si Judge Ofelia Pinto ng Angeles City RTC Branch 60 ay napatunayang nagkasala sa kasong gross ignorance of the law.

Nag-ugat ang parusa kay Judge Pinto nang katigan ang mosyon ng isang akusado sa isang kasong kriminal gayong may kautusan na ang Court of Appeals na final and executory na ang hatol sa akusado.

Pinaliwanag ng SC na dapat ay iginalang ni Judge Pinto ang desisyon ng appellate court lalo na at wala na siyang karapatan na pabuksan ang kaso dahil sa pagiging pinal ng desisyon.

Maliban sa pagkakasibak bilang hukom, kinansela rin ng Mataas na Korte ang mga benepisyo na dapat ay makukuha ni Judge Pinto sa kanyang pagreretiro.

vuukle comment

ANGELES CITY

COURT OF APPEALS

JUDGE OFELIA PINTO

JUDGE PINTO

KORTE

MALIBAN

MATAAS

PAMPANGA

PINALIWANAG

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with