^

Bansa

ARMM officials 'di kailangang mag-resign kahit nag-file ng COC

- Malou Escudero - The Philippine Star

MANILA, Philippines -  Nilinaw kahapon ng Malacañang na hindi maituturing na nagbitiw na sa puwesto ang officer-in-charge ng Autonomous Region in Muslim Mindanao na si Mujiv Hataman at iba pang opisyal ng ARMM dahil lamang naghain na sila ng kanilang mga certificates of candidacy para sa eleksiyon sa susunod na taon.

Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, bagaman at itinalaga ni Pangulong Aquino sina Hataman, sila naman ay mga nasa elective post.

Ipinaliwanag pa ni Valte na ang mga itinalagang opisyal na wala sa elective posts ang awtomatikong aalis sa kaniyang trabaho sa sanda­ling maghain ng kanilang COCs.

“Sa Fair Election Act, dalawa ang distinctions, may appointed official na pag-file ng COC ay automatically resigned. Ang elective hindi nag-a-apply sa kanila ‘yan kasi may mandate sila at kailangan ituloy,” sabi ni Valte.

Ginawa ni Valte ang pahayag matapos mapuna ni Atty. Romeo Macalintal ang gagawing pananatili ni Hataman sa posisyon kahit pa naghain na siya ng COC.

vuukle comment

ABIGAIL VALTE

AUTONOMOUS REGION

AYON

HATAMAN

MUJIV HATAMAN

MUSLIM MINDANAO

PANGULONG AQUINO

ROMEO MACALINTAL

SA FAIR ELECTION ACT

VALTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with