MANILA, Philippines - Nasabat ng mga tauhan ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Ruffy Biazon ang tinatayang P60 million halaga ng mga smuggled imported products na mula sa bansang China.
Iprinisinta kahapon ni Biazon sa media ang iba’t ibang fake imported products kabilang ang mga piyesang ginagamit sa mga motor na tinangkang ipuslit ng isang grupo ng mga smuggler sa Port of Manila.
Ang nabanggit na mga kontrabando ay nadiskubreng nakalagay sa dalawang 40-footer container van at idineklarang gamit sa kusina kaya nakapasok sa nabanggit na pantalan.
Subalit nang magsagawa ng pagsusuri ang mga taga-BoC ay nadiskubre na naglalaman pala ito ng mga piyesa, gulong, sapatos at assorted cosmetic products.
Nagsasagawa na nang masusing imbestigasyon ang tanggapan ni Biazon para sampahan ng kaso ang mga nasa likod nito.