^

Bansa

Baha sa Pinas sosolusyunan! - Palafox

- Butch M. Quejada - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Reclamation ng mga waterfront sa Pilipinas ang nakikitang solusyon sa tumitinding baha, tsunami at storm surge sa bansa.

Inihayag ito ng premyadong arkitekto na si Felino “Jun” Palafox sa gitna na rin ng malawakang pagbaha na dinaranas natin sa panahon ng tag-ulan partikular sa Metro Manila.

Ayon kay Palafox, ang Pilipinas ang ikatlong may pinakamahabang waterfront sa mundo pero hindi ito ginagamit na pinto para sa kaunlaran kundi parang likod bahay lamang umano na tapunan ng basura.

Si Palafox na kasalukuyang dumadalo sa isang kumperensiya sa Singapore tungkol sa dredging at reklamasyon, ang nasa likod ng sikat na Palm Islands Resort sa Dubai kung saan napalawak nito ang waterfront ng nasabing bansa mula 70 kilometro hanggang 2,000 kilometro.

Samantala sa Singapore, mula 6,000 ektarya ay napalawak ang waterfront nito sa 65,000 ektarya habang sa Netherlands, dagdag pa niya, 70 porsiyento ng bansa ang na-reclaim ngunit kahit kailan ay hindi ito nagkaproblema sa baha.

Nauna nang pinuna ni Palafox ang aniya’y maling development plan ng Metro Manila kung saan walang malinaw na pagdadaluyan ng tubig baha.

Kaunting ulan lang ay tumataas na ang tubig sa mga mabababaw na lugar sa Maynila at mga karatig siyudad.

Kung may tamang programa para sa reklamas­yon, magkakaroon umano ng malayang pagdaloy ang tubig ulan mula sa mga kabahayan patungo sa malalaking ilog at karagatan.

Wala rin aniyang basehan ang mga takot tungkol sa mga reclamation project gaya ng tinatayuan ngayon ng Cultural Center of the Philippines complex.

Bukod dito, ang Philippine International Convention Center (PICC) ay nakatayo sa reklamasyon ganundin ang SM Mall of Asia na siyang pinakama­laking mall sa buong Asya.

Layon ng kumperensiya sa Singapore na maipakita sa mundo ang kagandahan ng reklamas­yon sa pamamagitan ng paglalahad ng mga karanasan ng maraming bansang nagsagawa na nito.

Sabi pa ni Palafox, maraming bansa na ang nagkaroon ng mga “green” reclamation na walang masamang naging epekto sa kalikasan.

ASYA

CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES

MALL OF ASIA

METRO MANILA

PALAFOX

PALM ISLANDS RESORT

PHILIPPINE INTERNATIONAL CONVENTION CENTER

PILIPINAS

SI PALAFOX

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with