Trust rating ni Pangulong Marcos, tumaas

MANILA, Philippines — Tumaas ng hanggang 10% ang trust rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Hunyo.
Sa isinagawang survey ng Social Weather Station (SWS) na kinomisyon ng Stratbase Group, mula sa 38% noong Mayo, umabot na sa 48% ang nagsabi na malaki ang tiwala nila o mayroon silang ‘much trust’ sa Pangulo noong Hunyo.
Nasa 30% naman ang nagsabi na maliit ang tiwala nila o ‘little trust’ sa Pangulo habang 21% ang undecided.
Samantala, ang mga mayroon namang much trust kay Vice President Sara Duterte ay tumaas rin ng 1% o mula 60% noong Mayo ay naging 61% noong Hunyo.
Nasa 23% ang may ‘little trust’ sa Bise Presidente habang 14% ang undecided.
Tumaas din ang mga taong may tiwala kay Senate President Francis Escudero, mula 47% ay naging 55% habang ang may little trust ay nasa 23% at 21% undecided.
Umangat din ang mga taong may much trust kay Speaker Martin Romualdez, na mula 26% noong Mayo ay naging 34% noong Hunyo.
Ang may little trust naman sa kanya ay nasa 34% rin habang ang may little trust ay 34% at 27% undecided.
Ang survey ay isinagawa mula Hunyo 25-29, at nilahukan ng nasa 1,200 Filipino adults sa buong bansa. Mayroon itong ±3% margin of error.
- Latest



















