Pagsibak sa Deputy Ombudsman sa Luneta hostage pinanindigan ni PNoy
MANILA, Philippines - Pinanindigan ni Pangulong Aquino ang pagsibak kay Deputy Ombudsman Emilio Gonzales kaugnay ng nangyaring Luneta hostage crisis matapos na iutos ng Korte Suprema na ibalik ito sa kanyang posisyon.
Sinabi ng Pangulo sa isang ambush interview sa Isabel, Leyte, isang independent agency ang Ombudsman at puwedeng magsagawa ito ng sariling imbestigasyon sa kanilang tauhan.
Iginiit pa ni PNoy, kung pinairal lamang ng Ombudsman ang kanilang proseso kaugnay sa pagdinig sa mga isinasampang petisyon sa kanilang tanggapan sa takdang oras ay baka hindi nagwala ang pulis na nagsagawa ng hostage sa Luneta sa isang tourist bus na ang sakay ay mga Hong kong nationals noong Agosto 23, 2010.
Wika pa ng Pangulo, ang pulis na si Mendoza ay umapela noon sa Ombudsman para sa kanyang kaso subalit tumagal ng 9 na buwan mahigit ang mosyon nito at hindi naaksyunan hanggang sa isagawa nito ang Luneta hostage crisis.
Idinagdag pa ni Aquino, hindi ito puwedeng utusan ng Malacañang dahil independent body ito kahit may supervisory power dito ang Office of the President.
Aalamin pa ni PNoy mula kay Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. kung ano ang puwedeng gawin ng gobyerno sa naging desisyon ng SC na pagpapabalik ay Gonzales sa dating puwesto nito sa Ombudsman.
- Latest
- Trending