^

Bansa

PNoy emosyunal sa paggunita ng Martial Law

- Rudy Andal - The Philippine Star

 FORT MAGSAYSAY, Nueva Ecija, Philippines  - Naging emosyunal si Pangulong Aquino sa kanyang pagbabalik-tanaw sa panahon ng Martial Law na ginunita kahapon.

Ginawa ito ng Pa­ngulo sa inagurasyon ng napaayos na Aquino-Diokno Memorial at sa bagong AFP Center for Human Rights Dialogue sa Fort Magsaysay.

Sa kanyang mensahe, inalala ng Pa­ngulo ang kaawa-awang kalagayan ng amang si ex-Sen. Ninoy matapos makulong.

Bagama’t naging matatag ang kanyang prinsipyo, hindi raw maiwasan ng ama ang lumuha sa sinapit sa kamay ng mga kalaban.

Hanggang ngayon, ayon sa Pangulo, mahirap pa ring balikan ang mga eksena sa nakaraan lalo ang hu­ling sandali sa buhay ni Ninoy.

Idinagdag pa ng Pangulo na ang karanasan ng ama ay naging karanasan din ng libu-libong Pilipino sa panahon ng Batas Militar.

Kanya ring pinuri ang mga sundalong nakiisa sa pagbabalik ng demokrasya noong panahon ng EDSA People Power Revolution. 

AQUINO-DIOKNO MEMORIAL

BATAS MILITAR

FORT MAGSAYSAY

MARTIAL LAW

NINOY

NUEVA ECIJA

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PEOPLE POWER REVOLUTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with