^

Bansa

Reso ng Ombudsman sa graft vs 3 BOC men wala pa rin

- Butch M. Quejada - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Pinamamadali sa Office of the Ombudsman ang pagpapalabas ng resolusyon sa isinampang kasong graft and corruption laban sa tatlong kawani ng Bureau of Customs (BoC) at mga kasama nito.

Noong Disyembre 7, 2010 pa umano kinasuhan sina Eric G. Albano, Intelligence Officer 4; Jover Jordan, Clerk II; Mitchell V. Verdeflor, Intelligence Officer II at John Does, pawang mga kawani ng BoC ng kasong paglabag sa Republic Act No. 3019, Anti-Graft and Corrupt Practices Act sa Ombudsman pero hanggang ngayon ay wala pa umanong resolusyon.

Isinampa ang nasabing kaso sa tanggapan ni Atty. Julita M. Caldero, Graft Investigation and Prosecution ng mga complainant na sina Oscar Moratin at Crispin Velarde, kapwa intelligence officer ng Department Of Finance, Revenue Integrity Protection Service (DOF-RIPS).

Noong Pebrero 6, 2010 isang electronic product shipment na nagmula sa Singapore ang dumating sa Port of Manila at ng isinailalim ito sa scanned ng x-ray machine, napag-alaman na walang kahina-hinala sa naturang kargamento, base na rin sa findings ng customs examiner ng Boc.

Sa kabila na legal ang pagpasok ng shipment, nagpalabas pa rin ng hold order si dating BoC deputy Commissioner Jairus Paguntalan, noong Pebrero 10, 2010 dahil sa naging report ng naturang mga respondent na nasakote nila ang mga ito.

Dahil sa naging hakbangin nina Albano, Jordan, Verdeflor at iba pang kagawad ng BoC, nagkaroon ang mga ito ng paglabag sa batas, base na rin sa naging imbestigayon ng DOF-RIPS.

Lumabag din umano ang nabanggit na mga respondent sa Custom Memorandum Order (CMO) kaya’t bukod sa kasong criminal, sinampahan din ang mga ito ng kasong administratibo.

ALBANO

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

BUREAU OF CUSTOMS

COMMISSIONER JAIRUS PAGUNTALAN

CRISPIN VELARDE

CUSTOM MEMORANDUM ORDER

DEPARTMENT OF FINANCE

ERIC G

INTELLIGENCE OFFICER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with