Housing project sa Imus

MANILA, Philippines -  Magandang balita ang ihahatid ng Twin Realty sa ating mga kababayan at mga OFWs na naghahangad ng magandang bahay sa abo’t kayang halaga.

Ayon kay Vicky Cuizon, nakahandang tumulong ang Twin Realty para sa mga naghahangad ng sariling bahay at magandang buhay para sa kanilang pamilya.

Ang Lancaster Estates sa Imus, Cavite ang bagong proyektong pabahay na pinakamalapit sa Cavite Expressway (Cavitex) road papuntang Maynila.

Sa halagang P241 kada araw o P7,222 kada buwan para sa 15 mos. downpayment, may 2 pa­lapag at 3 silid sa kabuuan ng bahay. Mainam din para sa mga nag-o-opisina at mga estudyante na bumibiyahe sa Maynila dahil sa special transport station na ginawa para sa mga bus na pumapasada sa rutang Lancaster-Lawton at vice versa. 

Sa mga gusto naman ng single attached na bahay, may kumpletong imbentaryo ang Twin Realty na pagpipilian ayon sa kakayanan. Para sa libreng site tripping at freebies tumawag lamang sa Tel. 984-6488; Mobile No. 0917-8912363-64 o mag e-mail sa twin_realty03@yahoo.com o sa vickycuizon@yahoo.com. Para sa kumpletong larawan at house models ay bisitahin ang website na www.twinrealty.com.ph.

Show comments