^

Bansa

2 illegal recruiter, timbog sa entrapment ng IACAT

- Ellen Fernando - The Philippine Star

 MANILA, Philippines - Pinapurihan kahapon ni Vice President Jejomar Binay ang Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) matapos na umiskor nang kanilang maaresto ang dalawang umano’y illegal recruiters sa isang entrapment operations kahapon.

Bago ang operasyon, naberipika ng IACAT na kanyang pinamumunuan na hindi awtorisado ang dalawang babae na dinakip na mag-recruit ng mga manggagawa patungong ibang bansa.

Nagsagawa ng surveillance operation ang IACAT matapos na makatanggap ng impormasyon sa isang tipster na ang dalawang suspek ay nagsasagawa ng ilegal na pagre-recruit sa taguig City.

Ang tatlong social worker ng Visayan Forum Foundation (VFFI) ang nagpanggap na aplikante at sinabihan sila na magtatrabaho sila bilang mga waitresses sa Palau at sinabing madami na silang napaalis na OFWs sa nasa­bing bansa at sumasahod ng malaki.

Sa isang joint affidavit ng tatlong testigo, sinabi nila na ang mga ipinadadalang waitresses sa Palau ay ginagawang guest relations officers at tumatabi sa mga kustomer at kasama sa kanilang mesa na nakikipag-inuman.

Ang mga biktima ay nasa kustodya na ng DSWD at VFFI habang ang mga naaresto ay nakapiit sa National Bureau of Investigation.

Sa tala ng IACAT, may conviction na ng 12 human-trafficking related cases ngayon taon, kung saan 20 katao ang sinentensyahan. 

DALAWANG

IACAT

INTER-AGENCY COUNCIL AGAINST TRAFFICKING

NAGSAGAWA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PALAU

PINAPURIHAN

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

VISAYAN FORUM FOUNDATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with