^

Bansa

263 OFWs sa Syria dumating

- Butch M. Quejada - The Philippine Star

 Manila, Philippines - Dumating ang may 263 overseas Filipino workers mula sa bansang Syria sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 sakay ng isang chartered flight ng Jordan Aviation na binayaran ng International Organization for Migration (IOM), kahapon ng umaga.

Sina Vice President at Presidential Adviser for Migrant Workers Jejomar Binay, DFA Secretary Albert del Rosario at mga taga - Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang sumalubong sa mga ito.

Ang mass repatriation sa pakikipag-ugnayan ng gobyerno ng Pilipinas ang naging dahilan para pumayag si Syrian President Bashar al-Assad at i-waive ang exit visa requirements sa mga ito.

Sinabi ni Ricardo Casco, executive official ng IOM na nagbayad sila ng $400,000 para pauwiin ang mga OFWs sa Syria.

Sabi ni Casco mayroon pang 5,000 Filipino workers sa Syria.

Sinabi ni Maria Cecilia de Caldo ng Negros Oriental na malaki ang pasasalamat nila sa administrasyon ni PNoy dahil nakabalik sila ng bansa.

Mula sa Aleppo, Syria, may 300 kilometro ang nilakbay nila para makarating sa Damascus habang marami silang nakikitang bangkay na nagkalat sa kalye.

Ayon kay Normina Kanapia, 34, ng Cotabato ayaw siyang payagan ng amo niyang magpunta sa Philippine Embassy kaya ang ginawa niya ay nagtali siya ng lubid para makababa mula sa 2nd floor ng bahay na tinutuluyan  niya.

Ayon pa sa mga OFW, ang ibang amo nila ay tumakas palabas ng Syria sa takot na mapatay sila kaya ang iba sa mga ito ay nagpunta ng Saudi Arabia. 

vuukle comment

AYON

INTERNATIONAL ORGANIZATION

JORDAN AVIATION

MARIA CECILIA

MIGRANT WORKERS JEJOMAR BINAY

NEGROS ORIENTAL

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

NORMINA KANAPIA

OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION

PHILIPPINE EMBASSY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with