^

Bansa

DOH naka-code blue alert pa rin sa leptospirosis at dengue sa NCR

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines – Dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng lep­tospirosis at dengue na naitatala sa National Capital Region (NCR), nananatili pa ring nasa code blue alert ang Department of Health (DOH)-NCR.

Ayon kay DOH-NCR Regional Director Eduardo Janairo, kinakailangan pa rin nilang ipairal ang code blue alert dahil nasa peak season pa rin ang dengue.

Patuloy pa rin umano sa paglobo ang naitatalang kaso ng leptospirosis sa NCR dahil sa naranasang mga pagbaha dulot ng monsoon rains.

Ani Janairo, sa ilalim ng code blue alert status ay 24-hour na naka-duty ang mga medical staff at mayroon ding nakaantabay na mga gamot para sa mga pasyente ng dengue at leptospirosis.

Mayroon rin umanong express lane para sa mga pasyente upang mabilis na matugunan ang kanilang pangangailangang medikal.

Sa ipinalabas na datos ng DOH, nasa 3,410 na ang kaso ng leptospirosis habang nasa 87,649 naman na ang biktima ng dengue sa buong bansa mula Enero hanggang Agosto 25, 2012 lamang.

Nabatid na sa NCR naitala ang pinakamaraming kaso ng leptospirosis na umabot sa 938 kaso, na sinundan ng Region 10 na may 925 kaso at Region 6 na may 474 cases.

Sa kabuuan ay 149 na ang nasawi sa leptospirosis.

Ang NCR din naman ang nakapagtala ng pinakamaraming bilang ng dengue cases na umabot sa 17,618 kaso, sumunod ang Region III (13,518 kaso) at Region IV-A (12,877 kaso).

Sa kabuuan ay mayroon nang 522 dengue deaths sa buong bansa at ang 86 dito ay naitala rin sa NCR.

AGOSTO

ANI JANAIRO

AYON

DAHIL

DENGUE

DEPARTMENT OF HEALTH

KASO

NATIONAL CAPITAL REGION

NCR

REGIONAL DIRECTOR EDUARDO JANAIRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with