VP Sara, ‘di dadalo sa Nov. 20 House probe
MANILA, Philippines — Walang plano si Vice President Sara Duterte na dumalo sa isasagawang pagdinig ng Kamara sa paggamit ng kanyang tanggapan ng confidential fund sa Nobyembre 20.
Ayon kay Duterte, nakatanggap siya ng imbitasyon sa pagdinig, ngunit wala siyang planong dumalo doon.
Sinabi ni VP Sara na dumalo na siya sa unang hearing, ngunit pinaupo lamang siya at walang ipinagawa sa kanya.
“Hindi man nila ako tinanong, kung nakikita ninyo nakaupo lang ako doon. Nasasayang yung oras ko kaya nagpaalam ako kung pwede akong umalis, pinayagan naman nila ako,” anang bise presidente.
Magsusumite na lamang umano si Duterte ng liham sa Kamara at magsusumite ng affidavit hinggil sa paggamit ng confidential funds.
“Under oath din naman ‘yang affidavit na ‘yan,” aniya pa.
- Latest