BIR: Ebidensiya vs Corona kulang pa

MANILA, Philippines - Inamin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na kulang-kulang pa ang kanilang mga ebidensiya laban kay dating Chief Justice Renato Corona kahit na naghain na sila ng kasong tax evasion laban sa dating punong mahistrado.

Gayunman, nilinaw ni BIR Commissioner Kim Henares, batay sa mga hawak nilang dokumento may mga nagawang paglabag sa pagbubuwis si Corona.

Tinukoy ni Henares ang P20-milyong SALN declaration ni Corona gayung ang networth nito ay mahigit sa P160 milyon.

Maliban kay Corona, sabit din sa kaso ang anak nitong si Maria Carla Beatriz at manugang na si Constantino Castillo dahil din sa paglabag sa batas sa pagbubuwis.

Show comments