^

Bansa

Kahit wala ng baha, medical mission ni VM Joy B patuloy

- Angie dela Cruz - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Patuloy pa rin ang pagsasagawa ng medical mission at livelihood programs ng tanggapan ni QC Vice Mayor Joy Belmonte kaugnay ng programang Joy of public service laan sa mga nabiktima ng pagbaha kamakailan sa QC.

Ayon kay Vice Mayor Belmonte, ang naturang ayuda ay bilang pagtitiyak na patuloy na natutugunan ng lokal na pamahalaan ang pa­ngangailangan ng mga constituents sa mga naapektuhan noon ng pagbaha at tuloy maalalayan ang mga itong makabangon mula sa epekto ng nagdaang kalamidad.

Buong buwan ng Agosto ay patuloy na nagkakaloob ang tanggapan ni Belmonte ng libreng general checkup, pre-natal, eye at skin diseases checkup, chest x-ray at pagkakaloob ng libreng gamot, school supplies sa mga mag-aaral at relief operation sa mga binahang taga QC partikular sa mga residente sa Bgys. Fairview, Del Monte, Doña Imelda at iba pa.

Katulong ng Vice Mayors Office sa pagseserbisyo ang mga doctor mula sa QC health department, Phil. Medical Association, Phil. Tubercolosis Society, ilang dermatologist at EENT doctors na naglaan ng oras para sa programang ito.

Nagkakaloob din ang tanggapan ni Belmonte ng livelihood programs sa mga binahang residente sa QC upang makatulong na makabangon mula sa epekto ng kalamidad at tuloy magkaroon ng maliit na pagkakakitaan para sa pagsisimula ng bagong buhay.

AGOSTO

AYON

BELMONTE

DEL MONTE

MEDICAL ASSOCIATION

TUBERCOLOSIS SOCIETY

VICE MAYOR BELMONTE

VICE MAYOR JOY BELMONTE

VICE MAYORS OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with