Parak abswelto sa rape ng vendor
MANILA, Philippines - Pinawalang-sala ng mababang hukuman ang isang dating miyembro ng Manila Police District na akusado sa panggagahasa sa isang babaeng vendor sa loob ng tanggapan ng District Intelligence Division (DID) sa Ermita, Maynila noong Disyembre 31, 2010.
Sa desisyon na inilabas ni Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 3, Judge Jaime Santiago, inabswelto niya si PO3 Antonio Bautista Jr. sa kasong rape.
Batay sa kautusan, hindi naging consistent ang mga naging pahayag ng biktimang itinago sa pangalang “Vanessa” sa kanyang mga salaysay.
Maliban pa sa dalawang tumayong testigo na kapwa dinakip sa illegal vending, na nagsabing hindi nagahasa ng pulis ang biktima at gumawa lamang umano ito ng eksena para hingan ng pera si Bautista.
Matatandaang inireklamo si Bautista matapos umano siyang bitbitin mula sa Carriedo, Quiapo at gahasain sa lamesa ng MPD-DID, at nang makaraos ay kinuha pa umano ang pera ni Vanessa na nagkakahalaga ng P4,000 kapalit umano ng pag-urong sa isasampang bagansiya.
Inakusahan naman ni Bautista si Vanessa na isang ‘prostitute’ at gumawa lamang ng scenario, nang sila ay pagharapin sa isinagawang preliminary investigation kung saan tumayong abugado si Public Attorneys Office chief, Atty. Persida Rueda-Acosta, na sinuportahan naman ng grupong Gabriela ni Rep. Emmi de Jesus.
- Latest
- Trending