Nanapok ng MMDA enforcer kinasuhan na
MANILA, Philippines - Sinampahan na ng kasong direct assault ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang motoristang nanapok ng traffic enforcer sa Quezon City Prosecutors Office kahapon.
Ang kaso ay isinampa ng MMDA laban kay Robert Blair Carabuena na empleyado ng isang kumpanya ng sigarilyo matapos nitong murahin, duruin, sampalin at batukan ang MMDA traffic aide na si Saturnino Fabros na nakunan pa ng video. Kinasuhan din ang kapatid ni Blair na si Benjamin na sinasabing accessory sa krimen.
Ang pananakit ni Carabuena kay Fabros ay naganap habang nagtatrapik ang huli sa may kahabaan ng Capitol Hills Drive kanto ng Tandang Sora, QC at parahin at sitahin ng traffic enforcer ang sasakyan nina Carabuena dahil sa umano’y paglabag sa “red light” sa may Tandang Sora sa Quezon City dakong alas-2:30 ng hapon nitong Agosto 11.
- Latest
- Trending