MANILA, Philippines - Nagsagawa ng kilos protesta kahapon ang mga empleyado ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dahil sa hindi pa naipagkakaloob na benepisyo mula sa gobyerno.
Sa press conference, sinabi ni Philippine Weathermen Employees Association (PWEA) President Ramon Agustin, simula nitong Pebrero ay hindi na ibinigay sa kanila ng Aquino administration ang kanilang hazard pay, longevity pay at laundry allowance
kaya nagsagawa na sila ng protesta kahapon sa kasagsagan ng bagyong Helen.
Gayunman, nilinaw nitong hindi naman naapektuhan ang kanilang trabaho dahil kung breaktime lamang nila ginagawa ang pagkilos.
Nangako naman si Pangulong Aquino na ibibigay sa mga weathermen ang hinihingi nitong benepisyo sa gobyerno matapos personal na makipagpulong ito sa mga empleyado ng PAGASA sa Quezon City kahapon.
Nagtungo ang Pangulo kasama si Budget Sec. Florencio Abad sa PAGASA upang kausapin ang nagpoprotestang weathermen subalit sinabi ni PNoy hindi lahat ay bibigyan nito kundi yung nararapat lamang talagang empleyado.