^

Bansa

8 nominado sa pagka-CJ: De Lima talsik sa JBC shortlist

Nina Doris Franche-Borja at Rudy Andal - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Talsik sa Judicial and Bar Council shortlist si Justice Secretary Leila de Lima makaraang hindi maisama ang kanyang pangalan sa listahan ng walong nominado na maaaring pagpilian ng Pangulong Noynoy Aquino para sa puwesto ng bagong Supreme Court Chief Justice.

Sa ginanap na botohan ng JBC, kabilang sa mga pumasok sa shortlist ay sina SC Asso­ciate Justices Roberto A. Abad; Associate Justice Arturo D. Brion; Acting Chief Justice Antonio T. Carpio; Solicitor-Gene­ral Francis H. Jardeleza; SC Associate Justice Maria Lourdes A. Se­reno; dating Executive Sec­retary Ronaldo B. Zamora; Law Professor Soledad Cagampang-De Castro at si dating Ateneo Law Dean Cesar Villanueva

Paliwanag ni Iloilo Congressman Niel Tupas Jr, ang hindi pagkakasali ni De Lima sa shortlist ay bunsod ng kinakaharap na mga kaso ng disbarment sa Integrated Bar of the Philippines (IBP).

Una rito, sinasabing kailangan ang unanimous vote ng mga mi­yembro ng JBC para mabasura ang nakabin­bing “priveleged motion” na kumikuwestyon sa integridad ng ilan sa mga nominado sa bakanteng puwesto ng chief justice.

Batay sa itinatakda ng Constitution, bini­bigyan ng 90 araw ang Pangulo upang magtalaga ng Chief Justice.

Dismayado naman si De Lima sa naging resulta ng botohan at deliberasyon ng JBC.

Sinabi ng kalihim, hihingi siya ng paliwanag kung bakit siya ay na-single out sa natu­rang botohan.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng Malakanyang na makakapili ang Pangulong Benigno Aquino III ng susunod na chief justice bago sumapit ang Agosto 27.

Mula sa 20 kandi­dato ay 8 lamang ang nasa shortlist na isusumite ng JBC sa Pa­ngulo upang doon ay pumili siya ng magiging punong mahistrado.

ACTING CHIEF JUSTICE ANTONIO T

ASSOCIATE JUSTICE ARTURO D

ASSOCIATE JUSTICE MARIA LOURDES A

ATENEO LAW DEAN CESAR VILLANUEVA

CHIEF JUSTICE

DE LIMA

EXECUTIVE SEC

FRANCIS H

JUSTICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with