^

Bansa

Debate sa plenaryo, ibinasura: Botohan sa RH Bill, tinapos na

- Gemma Amargo-Garcia - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Taliwas sa orihinal na plano ni House Majority leader Neptali Gonzales II na idaan ito sa ‘nominal voting’ ay ‘viva voice’ na lamang ang naging botohan o ang palakasan ng pagsigaw ng mga kongresista ng “Ayes and Nays.”

Dahil sa mas malakas ang sigaw ng Ayes ng mga kongresista kaya’t ibabasura na ang debate sa plenaryo ng House bill 4244 o ang RH Bill at muli itong ibabalik sa Komite para amyendahan.

Iminungkahi naman ni Gonzales na bumuo ng isang maliit na komite na magtatrabaho sa lahat ng amendments na gustong ipasok sa RH bill bago ito maisalang sa botohan para sa second reading at dahil mahaba pa ang prosesong ito, hindi nito masiguro kung kailan maisasagawa ang botohan sa ikalawang pagbasa.

Samantala, tinangka namang pigilan ng mga anti-RH congressman tulad nina Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, Zambales Rep. Mitos Magsaysay at Manila 5th district Rep. Amado Bagatsing, ang nais ni Gonzales na ituloy ang botohan para sa termination ng debate dahil sa ang orihinal umanong petsa ng botohan ay Agosto 7 bukod pa dito, mayroon pang 25 na nasa listahan para mag-interpellate.

Giit ni Magsaysay, nakasalalay ang kredibilidad sa liderato ni House Spea­ker Feliciano Belmonte dahil ang unang itinakdang araw para magbotohan ay Agosto 7.

AGOSTO

AMADO BAGATSING

AYES AND NAYS

FELICIANO BELMONTE

GONZALES

HOUSE MAJORITY

HOUSE SPEA

MITOS MAGSAYSAY

NEPTALI GONZALES

ORO REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with