^

Bansa

19 bayan at lungsod nasa ilalim na ng state of calamity

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Umaabot na sa 19 bayan at lungsod ang kabuuang isinailalim sa state of calamity sa Central Luzon, Region IV A, Region IV-B at Metro Manila sanhi ng matinding pinsala ng bagyong Gener na nag-iwan ng 41 kataong namatay habang 35 pa ang sugatan at nawawala sa hagupit nito sa mga naapektuhang lugar sa bansa.

Ito ang ipinalabas na ulat kahapon ng tanggapan ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Benito Ramos.

Sinabi ni Ramos na, bunga ng malalakas na pag-ulan at hanging dala ng bagyong Gener na nanalasa umpisa noong Hulyo 28, agad na isinailalim sa state of calamity ang  Navotas City sa Metro Manila.

Sa Region 1 , isinailalim rin sa state of calamity ang tatlong Barangay na kinabibilangan ng Hacien­da, Portic at Cayana na pa­wang nasa Bugallon, Pangasinan bunga ng ma­tinding pinsala ng bagyong Gener.

Una nang naideklara ang state of calamity sa Region IV A o sa mga ba­yan ng Bacoor, Tanza, Ternate, Rosario, Kawit, Naic, Noveleta at ang lungsod ng Imus at Cavite City.  Bukod dito ay isinailalim rin sa state of calamity ang Mabitac, Laguna at ang mga bayan ng San Luis at Lemery sa Batangas.

Naideklara din ito sa San Jose, Occidental Mindoro sa Region IV A bunga ng matinding epekto ng bagyong Gener na nagdulot ng flashflood at matin­ding ihip ng hangin.

Sa Region VI ay ang munisipalidad ng Valladolid, Negros Occidental at ang mga bayan ng Lauan at Culasi sa Antique na nasa state of calamity din.

Naitala rin ang pagtaas ng mga apektado ng bagyo na nasa 117,440 pamilya o kabuuan ng 800,944 katao mula sa 168 bayan at lungsod sa 35 lalawigan sa mga rehiyong sinalanta ng malalakas na pag-ulan na nagdulot ng flashflood at landslide.

CAVITE CITY

CENTRAL LUZON

EXECUTIVE DIRECTOR BENITO RAMOS

GENER

METRO MANILA

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

NAVOTAS CITY

NEGROS OCCIDENTAL

OCCIDENTAL MINDORO

SA REGION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with