^

Bansa

P2-B inilaan sa konstruksiyon ng mga hall of justice

- Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Aabot sa mahigit P2 bilyon ang inilaan ng Korte Suprema para sa konstruksyon ng mga gusali ng mga hukuman sa ilang bahagi ng bansa.

Sa idinaos na pulong balitaan, inanunsyo ni Atty. Gleo Guerra, acting PIO Chief ng Korte Suprema, na ang pondo ay magmumula sa existing savings ng korte.

Halos P2 bilyon o P 1.8 billion ang ilalaan para sa pagpapatayo ng Manila Hall of Justice sa dating GSIS building na magsisilbing gusali ng 120 korte sa Maynila.

Karagdagang P266 milyon naman ang inilaan para sa konstruksyon ng Cebu Court of Appeals na nauna nang pinaglaanan ng P40 milyon noong 2004.

Nagdagdag din ang SC ng mahigit P251 mil­yon mula sa naunang P40 milyon na inilaan para sa pagpapatayo ng Cagayan de Oro Court of Appeals Building.

Sa kasalukuyan, umuupa lamang ng mga tanggapan ang Court of Appeals ng Cebu at Cagayan de Oro.

AABOT

CEBU

CEBU COURT OF APPEALS

COURT OF APPEALS

GLEO GUERRA

KARAGDAGANG

KORTE SUPREMA

MANILA HALL OF JUSTICE

MAYNILA

ORO COURT OF APPEALS BUILDING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with