^

Bansa

7 OFW nabiyayaan ng kabuhayan showcase

- Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Pinagkalooban ng Villar Foundation ng tig-iisang kabuhayan showcase ang pitong bigong overseas Filipino workers (OFWs) na bumalik sa bansa matapos na personal na humingi ng tulong sa programang Sagip-OFW.

Mismong si Villar Foundation Managing Director at dating Congw. Cynthia Villar ang personal na nag-abot ng livelihood assistance packages sa pitong OFW sa isang simpleng salu-salo sa Max’s Restaurant  Starmall, Shaw Boulevard, Mandaluyong City.

“Maraming mga OFW ang bumabalik ng bansa sa tulong ng iba at sa sarili nilang pagsisikap subalit nabibigong makapagsimula ng kanilang panibagong buhay. Kailangan nila ng tulong sa pamamagitan ng trabaho at livelihood opportunities. At ang livelihood assistance na aming ipinagkaloob ay sapat upang sila ay muling makapagsimula at nasa kanila na kung paano nila palalaguin ang maliit na negosyo ito,” ani Villar.

Kabilang sa mga OFWs na tumanggap ng livelihood package sina Simeon A. Cerezo, Shally Mar Cruz, Romiely Daguplo, Joanalin Pascua, Joselito V. So, Jovita Tallada at Jose Gerardo Vasquez.

Anim sa kanila ay pawang mga OFW na nabigo mula sa Middle East samantalang si Tallada ay mula naman Singapore.

Naniniwala si Villar na ang livelihood packages na galing sa Puregold ay makakatulong upang kanilang masuportahan ang kani-kanilang mga pamilya.

CYNTHIA VILLAR

JOANALIN PASCUA

JOSE GERARDO VASQUEZ

JOSELITO V

JOVITA TALLADA

MANDALUYONG CITY

MIDDLE EAST

ROMIELY DAGUPLO

SHALLY MAR CRUZ

SHAW BOULEVARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with