^

Bansa

Bus operators nagpasalamat sa pagpigil sa 'Lazarus Franchise'

- Butch M. Quejada - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Pinasalamatan ng North at Central Luzon Bus Operators si DOTC Secretary Mar Roxas sa maagap nitong pagkilos na suspendihin ang transaksiyon sa pagkakabenta ng expired nang 489 Pantranco franchise.

Sa kanyang thank you letter kay Roxas, sinabi ni Natividad Paras-Nisce ng Philippine Rabbit na bagama’t karaniwan lamang sa kalihim ang mabilis na aksiyon, sinabi nitong malakas ang naging dating nito sa kabuuan ng gobyerno dahil umayon ito sa good governance na gustong ipatupad ni Pangulong Aquino.

Una rito, nagawang ipagkaloob ng LTFRB sa mga kompanya ng bus ang Pantranco franchise kahit expired na ito noon pang 1993.

Gayunman, kaagad pinatigil ni Roxas ang bentahan dahil ayon mismo sa kalihim, “Lazarus franchise” na ang hawak ng nagsarang Pantranco North Express, Inc.

Sa kabila ng pagtutol ni LTFRB Chairman Jaime Jacob, inaprubahan naman ang bentahan nina board members Manuel Iway at Samuel Garcia. Kamakalawa ay nag-resign na sa puwesto si Iway.

Bukod sa Philippine Rabbit, ang liham ng pasasalamat kay Roxas ay pirmado rin ni Alexander Yague na pangulo ng Provincial Bus Operators Association of the Philippines (PBOA) at iba pang kinatawan ng mga kompanya ng bus. 

ALEXANDER YAGUE

CENTRAL LUZON BUS OPERATORS

CHAIRMAN JAIME JACOB

MANUEL IWAY

NATIVIDAD PARAS-NISCE

PANGULONG AQUINO

PANTRANCO

PANTRANCO NORTH EXPRESS

PHILIPPINE RABBIT

ROXAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with