MANILA, Philippines - Hinatulan ng dalawang taong suspensyon sa trabaho ang isang Taiwanese diplomat na kinasuhan ng pang-aabuso at paglabag sa working contract ng dalawang Overseas Filipino Workers (OFWs).
Si Jacqueline Liu, dating director-general ng Taipei Economic and Cultural Office sa Kansas City, Missouri, ay napatunayang guilty sa kasong paglabag sa Civil Servants Work Act dahil sa pang-aabuso at pagmamaltrato sa dalawang Pinay na kasambahay.
Sa desisyon ng Public Functionary Disciplinary Sanction Commission ng Judicial Yuan, sinuspinde si Liu dahil sa ginawang matinding kahihiyan at pagsira sa reputasyon ng kanilang bansa.
Tahasang nilabag umano ni Liu ang Article 5 at 7 ng Civil Servants Work Act dahil sa ginawang pagmamaltrato sa mga Pinay na kasambahay.