^

Bansa

Paliwanag ng LTFRB sa Pantranco deal hingi ni Roxas

- Butch M. Quejada - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Pinaiimbestigahan ni DOTC Secretary Mar Roxas ang pagbuhay ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa prangkisa ng Pantranco North Express, Inc. na 20 taon nang “patay”.

Pinagsusumite ng report ni Roxas ang mga opisyal ng LTFRB upang ipaliwanag kung paanong nangya­ring naibenta sa mga kompanya ng bus ang Pantraco franchise para sa 489 units gayong noon pang 1993 ay expired na ito.

Nauna rito, sumulat daw sa tanggapan ni Roxas ang GV Florida Bus Lines, Dagupan Bus Lines, Saulog Transit, Partas at Baliwag Transit upang kuwestiyunin ang desisyon ng LTFRB na i-award sa mga kompan­yang pag-aari ng Victory Liner ang expired nang Pantranco franchise.

Matapos ang pag-apruba ng LTFRB, ang prangkisa ng Pantraco ay pinaghati-hati umano sa Pangasinan Five Star, Victory Line, Bataan Transit, First North Luzon Bus Co. at Luzon Cisco Transport.

Pinatitingnan din ni Roxas sa Legal department ng DOTC kung paanong nakuha ng isang pamilya ang prangkisa na matagal nang hindi balido.

Sa July 23, 1996 DOTC Memorandum sa LTFRB at sa mismong LTFRB Memorandum Circular 2010-034; malinaw na nakasaad dito na hindi na puwedeng ibenta o ilipat sa ibang kompanya ang Pantranco permit to operate dahil nawalan na ito ng bisa noon pang 1993.

BALIWAG TRANSIT

BATAAN TRANSIT

DAGUPAN BUS LINES

FIRST NORTH LUZON BUS CO

FLORIDA BUS LINES

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

LUZON CISCO TRANSPORT

MEMORANDUM CIRCULAR

PANGASINAN FIVE STAR

ROXAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with