MANILA, Philippines - Dahil sa mababang suplay ng kuryente, magpapatupad ang Manila Electric Company ng “rotating brownouts” sa kanilang mga kustomer sa Metro Manila at karatig lalawigan.
Sinabi ni Dina Lomotan, corporate communications officer ng Meralco, mawawalan ng suplay ng kuryente sa pagitan ng alas-10 at alas-11 ng umaga ang mga lugar ng Cavite, Bulacan, Batangas, Maynila at Quezon City.
Bandang ala-1 hanggang alas-2 ng hapon naman mawawalan ng kuryente sa ilan pang bahagi ng Cavite, Manila, Quezon City, kasama pa ang Pasig at Las Piñas City.
Bukod sa mga kustomer ng Meralco, magpapatupad rin ng rotating brownouts sa ilang bahagi ng Luzon nang ilagay sa “yellow alert status” ng National Grip Corporation of the Philippines (NGCP) dahil sa kakapusan ng suplay ng kuryente ng mga planta.
Hindi pa naman tiyak kung hanggang kailan magtatagal ang rotating brownouts ngunit minamadali na ang pagresolba sa problema sa mga planta.