^

Bansa

Dolphy bumuti ang lagay sa dialysis

Danilo Garcia abd Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Bahagyang gumanda ang kundisyon ni Comedy King Rodolfo “Dolphy” Quizon makaraang isailalim sa dialysis nitong Huwebes ng hapon ng mga doktor sa Makati Medical Center.

Sinabi ni Eric Quizon, ang tumatayong tagapagsalita ng pamilya Quizon, isinagawa ang dialysis makaraang maging stable ang mga “vital signs” ng ama. Dito bumuti naman ang lagay ng kidney nito habang natanggal rin ang nakabarang mga likido sa baga ng ama at iba pang toxins sa katawan.

Tatlong beses uma­nong kailangang isailalim sa dialysis ang Comedy King kung saan inaasahan na naisagawa ito kahapon ng Biyernes at ngayong Sabado.

Pero itinigil ang dialysis kahapon dahil tumaas ang heart rate nito at bu­maba ang blood pressure.

Sa kabila naman nito, bumaba ang bilang ng “platelets” ng dugo ni Dolphy habang may namonitor rin na bahagyang pagdurugo o internal bleeding sa katawan na inaalam ngayon ng mga manggagamot kung saan nanggagaling.

Malugod ding ibinalita ni Eric Quizon na bahagyang nagmulat ng mata ang kaniyang ama kung saan nagpalakpakan ang lahat ng miyembro ng pamilya na nakasaksi nito.

Labis na pasasalamat naman ang ipinaaabot ni Eric Quizon sa lahat ng tao na patuloy na nagdarasal para bumuti ang kalagayan ng Co­medy King. Simula umano nang manawagan siya Miyerkules ng gabi na ipagdasal ang Hari ng Komedya, malaki na ang ibinuti ng kalagayan nito kaya ikinukunsidera na nito na may milagro talaga sa panalangin.

Samantala, ginawaran kahapon ng lungsod ng Maynila ng “Patnubay ng Sining at Kalinangan” at “Diwa ng  Lahi’ award si  Dolphy.

Ang anak ni Dolphy na si Vandolph ang tumanggap ng award mula kay Manila Mayor Alfredo Lim.  

BAHAGYANG

BIYERNES

COMEDY KING

COMEDY KING RODOLFO

DITO

DOLPHY

ERIC QUIZON

MAKATI MEDICAL CENTER

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

QUIZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with