Krus, santo sa gov't offices gustong ibawal
Manila, Philippines - Gusto ng isang kongresista na ipagbawal ang paglalagay ng mga krus at santo sa mga ahensya ng gobyerno maging ang pagdaraos ng mga misa o anumang seremonya ng anumang relihiyon.
Naghain ng panukala si Kabataan party-list Rep. Raymond Palatino dahil nakasaad sa Konstitusyon na wala dapat binibigyan ng pabor na relihiyon ang gobyerno kaya dapat ipagbawal ang pagdaraos ng religious ceremonies at religious symbol sa mga ahensya nito.
Napag-alaman na kapag naisabatas ang panukala, bawal na magdaos ng misa kahit pa ito para sa patay at maging ang pagdadala ng Bibliya o Koran sa anumang tanggapan ng pamahalaan.
“The State cannot be seen to favor one religion over the other, in allowing the prominent conduct and display of religious ceremonies and symbols, respectively, in public offices and property,” sabi ni Palatino sa kanyang House bill 6330.
Maging ang pagdarasal bago ang isang pagpupulong o pagdinig ng korte o pagkatapos ng flag ceremony ay nais ring ipagbawal ni Palatino. Hindi raw dapat mapaboran ang isang relihiyon dahil nakararami sila sa isang ahensya ng pamahalaan.
- Latest
- Trending