^

Bansa

6 sa 'Morong 43' namundok na

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Namundok na muli o nagbalik sa kilusan ng New People’s Army (NPA) ang anim sa binansagang “Morong­ 43” na nasakote ng militar sa Rizal noong Pebrero­ 2010.

Ito ang ibinulgar kahapon ni Col. Ivan Samarita, commander ng Army’s 202nd Infantry Brigade (IB) kung saan ang anim sa Morong 43 ay kanila ng tinutugis sa kabundukan ng Southern Tagalog.

Kinilala ng opisyal ang mga pinaghahanap na sina Yolanda Macaraig, Franco Remoroso, Janice Javier­, Myrna Olarte, Pearl Irene Martines at Romeo­ de la Cruz.

“Itinatanggi nila na sila’y mga NPA, nagpakilala silang mga inaping health workers pero patunay lamang ng pamumundok nila na sila’y mga lehitimong miyembro ng NPA rebels,” ani Samarita.

Pebrero 2010 ng masakote ng militar sa raid sa Morong, Rizal ang 43 rebeldeng NPA na nagpapakilalang health workers. Nakuha sa mga ito ang mga baril at mga eksplosibo. Nagsasanay umano ang mga suspek sa terorismo tulad ng paggawa ng bomba sa lugar.

Lima sa mga ito ang nagbalik-loob sa pamahalaan at ikinanta na ang kanilang grupo ay mga lehitimong NPA rebels.  

vuukle comment

FRANCO REMOROSO

INFANTRY BRIGADE

IVAN SAMARITA

JANICE JAVIER

MYRNA OLARTE

NEW PEOPLE

PEARL IRENE MARTINES

PEBRERO

RIZAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with