IMF 'di sakop ng BOC
MANILA, Philippines - Nilinaw ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ruffy Biazon na hindi hurisdiksiyon ng kanyang tanggapan ang pagbibigay ng Inward Foreign Manifest (IMF).
Sinabi ni Biazon na kung nais humingi ng grupo ni Abono Chairman and Swine Development Council, director Rosendo So ng IMF ay dapat sa shipping company at hindi sa BOC.
Sinabi rin ng ahensiya na hindi na kailangang mag-provide ng IMF sa Department of Agriculture (DA) dahil may representative na ang Bureau of Animal and Industry (BAI) sa BOC upang tumulong sa pag-inspection sa mga kargamentong pumapasok na may kaugnayan sa agricultural product tulad ng imported meat, poultry at fish product kung saan ang BAI ay nasa ilalim ng pamamahala ng DA.
Reaksiyon ito ng BOC sa sinasabi ng grupo ni So na noong Abril 12, 2012 ay sumulat ang DA sa Department of Finance (DOF) hinggil sa pagpo-provide ng IMF.
Muling nanawagan ang BOC sa naturang grupo na magpadala sila ng representative na makakatulong sa inspection sa pumapasok na imported meat product upang malaman kung ito ba ay talagang opal parts.
Hanggang ngayon ay nagmamatigas umano ang naturang grupo at hindi sila nagpapadala ng kinatawan kaya’t paano anila malalaman kung may nagaganap na meat smuggling sa bansa.
Sinabi ng BOC na wala sa kanila ang problema kundi nasa grupo ng hog growers dahil walang hurisdiksiyon ang ahensiya sa pag-iisyu ng IMF at sa mga shipping company sila dapat humingi ng kopya ng IMF at hindi sa BOC.
- Latest
- Trending