^

Bansa

Carpio acting Chief Justice

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Pansamantalang manunungkulan bilang acting Chief Justice si Senior Associate Justice Antonio Carpio na hahalili kay Renato Corona matapos na mapatalsik ng Senate impeachment court dahil sa hindi nito pagdedeklara ng kanyang statement of assets, liabilities and networth (SALN).

Nabatid na ang pag­halili ni Carpio ay alinsunod sa Rule 2, Section 2 ng Administrative Matter No. 10-4-20-SC o Internal Rules of the Supreme Court kung saan dapat na pumalit ang pinaka-senior Associate Justice kung wala ng Chief Justice.

Matatandaan na si Carpio ay itinalaga bilang Associate Justice ng Korte Suprema noong Oktubre 26, 2001, ang kauna-unahang appointee ni noo’y Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo samantalang si Corona ang ikalawang appointee noong Abril 9, 2002.

Si Carpio ang mala­kas na kalaban ni Corona noong 2010 sa posisyon bilang CJ suba­lit binawi din nito ang kanyang nominasyon kasabay ng pahayag na tatanggapin lamang niya ang puwesto kung susunod na pangulo ang magtatalaga sa kanya.

Samantala, nagdulot umano ng matinding takot sa hudikatura ang naging hatol kay Corona.

Ayon kay SC Deputy Court Administrator Antonio Eugenio, masyadong pinersonal ni Pangulong Aquino ang kaso laban kay Corona na nagmistulang martial law gamit ang buong pwersa ng pamahalaan.

Hindi lamang anya si Corona ang naapektuhan o maaapektuhan ng pagpapatalsik sa punong mahistrado kundi ang buong hudikatura.

Sinang-ayunan naman ito ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) at iginiit na posibleng kabahan ang iba pang mahistrado ng Korte Suprema na sumuway o sumusuway sa Pangulo. 

Tatalakayin ng Korte Suprema sa Miyerkules ang resulta ng naging hatol ng Senate Impeachment Court kay Corona. Si Carpio ang umano’y nagpatawag ng special session.

ADMINISTRATIVE MATTER NO

ASSOCIATE JUSTICE

CARPIO

CHIEF JUSTICE

CORONA

DEPUTY COURT ADMINISTRATOR ANTONIO EUGENIO

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

KORTE SUPREMA

SI CARPIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with