Bullet proof vehicle ni Corona inimpound
MANILA, Philippines - Inimpound na kahapon ng PNP–Highway Patrol Group ang bullet proof Chevrolet Suburban sports utility vehicle na nirerentahan ni Chief Justice Renato Corona.
Sinabi ni PNP-HPG Director P/Chief Supt. Leonardo Espina, iturnover ni Mark Anthony Lopez ang kulay itim na Chevrolet Suburban (ZEE-868).
Si Lopez ang may-ari ng Viking Haulers Inc., na ang kumpanya ay siyang nag-import ng 2005 model Suburban galing California noong 2009.
Ayon kay Espina, inimpound ang behikulo matapos mabigo si Lopez na magpakita ng kaukulang dokumento tulad ng authenticated na registration paper nito at iba pa.
Ang nasabing sasakyan ay nirerentahan ni Corona sa halagang P12,000 kada araw na ginamit nito sa pagdalo sa impeachment.
Si Castillo rin umano ang naglakad ng nasabing kuwestiyonableng license plate number na inireklamo ng negosyanteng si Bonifacio Gomez Jr., Presidente ng Nutripharm Inc. Pharmaceutical Co. na nakabase sa Cebu City hinggil sa pagkakapareho ng plaka ng kaniyang sasakyan na inisyu ng LTO sa ginagamit na Suburban ni Corona.
- Latest
- Trending