Coseteng, pabor sa K+12 ng DepEd
MANILA, Philippines - Pabor si 3rd District Councilor Julian Coseteng sa implementasyon ng K+12 program ng Department of Education (DepEd).
Ayon kay Coseteng, magdudulot ng kaunlarang pang-ekonomiya dahil ang mas edukadong lipunan ang matatag na pundasyon para sa matagalang kaunlaran sosyo-ekonomiko.
“Lumiliit ang mundo bawat minuto at nainiwala akong isa sa mga sistemang dapat makasabay sa ibang bansa ay ang ating sistema sa edukasyon,” ani Coseteng, anak ng dating senador at ngayon ay pangulo ng Diliman Preparatory School na si Nikki Coseteng.
Sinabi ni Coseteng, noong siya ay nag-aaral pa, ang mga asignaturang gusto niya ay English, Reading, Writing, Spelling, at History. Inamin niyang mahilig siyang magbasa at magsulat.
Naniniwala si Coseteng na magiging mabuti ang K+12 para sa kanyang mga iskolar dahil para sa kanya, mas maraming oras sa paaralan ay nakapagdudulot ng mas mataas na kalidad sa mga magsisipagtapos.
- Latest
- Trending