^

Bansa

Partylist dadaan sa butas ng karayom

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Dadaan sa butas ng karayom ang mga partylist na nagnanais na lumahok sa May 2013 elections.

Ayon kay Atty. James Jimenez, Spokesman ng Commission on Election (Comelec) sa ginanap na Balitaan sa Tinapayan sa Sampaloc, Maynila ma­ giging mahigpit sila sa pagsala sa mga aplikanteng partylist upang makatiyak na kumakatawan sa marginalized sector ang makukuwalipika sa 2013 midterm polls.

Sa ngayon ay mayroon pang natitirang 20 kaso na dinidinig ang Co­melec, na posibleng sa ika­ lawang linggo ng Hunyo maipalabas ang listahan ng mga kuwalipikadong partylist.

Sa kasalukuyan, naba­wasan umano ng 62 ang mga partylist at malamang umanong mga 80 ang makapasok.

Sinabi pa ni Jimenez, kinakailangan na may “track record” ang isang partylist na kabilang sa pinagbabasehan ng Co­melec sa kanilang pagpili.

Kinakailangan uma­ nong nakapagpakita na ang mga ito ng pagtulong sa kanilang kinakatawan at nakapagbigay na ng mga training at outreach program. 

Sinabi naman ni Ro­nald Uychutin ng Ang Gu­wardiya Alliance, kumakatawan sa marginal sector ng mga guwadiya, minabuti nila na magpa­rehistro dahil hindi na­man nararamdaman ang tulong ng Ang Galing Party­list ni Rep. Mikey Arroyo, na kasalukuyang kumakatawan sa sector ng mga guwardiya.

Kabilang sa mga isusulong nito ay ang mga suweldo ng guwardiya.

ANG GALING PARTY

ANG GU

AYON

BALITAAN

JAMES JIM

MIKEY ARROYO

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with