Online application sa SSS loan penalties, bukas na

Manila, Philippines -  Maaari na ngayong mag-apply sa Social Security System (SSS) ang mga miyembro nito para sa condonation ng loan penalties sa pamamagitan ng SSS website para mapabilis ang kanilang pagpapasailalim sa amnesty program at higit na kombiniente para sa mga ito.

Ayon kay SSS Officer-in-Charge Edgar Solilapsi, ang mga delinquent borrowers na eligible para sa condonation ng may 80 hanggang 90 percent ng penalty sa kanilang utang ay maaaring mag-aplay sa www.sss.gov.ph.

“As long as they are already registered SSS website users and they are qualified under Situation 2, they no longer have to submit supporting documents as proof of contribution payments,” dagdag ni Solilapsi.

Ang Situation 2 ay isang kategorya sa ilalim ng Penalty Condonation Program na ang mga member-borrower ay nakapagbayad ng kahit may tatlong amortizations mula nang maipalabas ang utang nito at minimum ng tatlong buwang kontribusyon sa loob ng nakaraang anim na buwan mula sa buwan ng kanilang aplikasyon sa programa.

Show comments