MPIC, Ayala mangunguna sa public services delivery
MANILA, Philippines - Suportado ni Transportation Secretary Mar Roxas ang bagong alyansa ng kumpanya ni businessman Manny Pangilinan na Metro Pacific Investment Corp. at Ayala Corp. para sa pagpapagawa sa extension ng 20.7-km LRT Line 1 system, na tumatakbo mula Roosevelt Ave sa Quezon City hanggang Baclaran, Parañaque, na durugtungan ng 11.7 km southwards patungong Bacoor, Cavite.
Ayon kay Roxas, nakakabilib na ang dalawang major companies tulad ng Ayala Corp at MPIC ay kinalimutan ang kanilang competitive differences at nag-commit para tulungan ang gobyerno ng Pilipinas para itaas pa ang bar of service para sa Metro Manila commuters.
Ipinapakita lamang nito na ang dalawang kumpanya ay seryoso at pursigido sa pag-develop ng light railway transit (LRT) projects, paliwanag ni Roxas.
Nagiging maingat naman si Roxas at ang gobyerno sa kanilang approach. Nais nilang maihiwalay ang mga charlatans at carpetbaggers na nais lamang magkamal ng pera at handang magbigay ng ‘tongpats’ taliwas sa mga seryosong players na nais talagang mag-invest sa bansa.
Dahil sa mga positive delopments na ito, ang pribadong sektor kabilang ang mga dayuhang investors ay handa na ring maglaan ng malaking pondo para mamuhunan sa mga mahahalagang imprastraktura.
- Latest
- Trending