^

Bansa

Eroplano siksikan sa NAIA

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nagsisiksikan na ang mga eroplano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa datos ng Department of Transportation and Communications (DOTC), lumobo ang bilang ng commercial airplanes mula 62 noong 2008 na naging 119 nga­yong 2012. 

Noong 2006, nasa 18 milyong pasahero ang siniserbisyuhan kada taon na lumobo sa 30 milyon noong nakaraang taon. 

Kaya lang ng NAIA runway na magkaroon ng 36 “takeoffs at landings” kada oras ngunit kasalukuyang 50 nito ang ginagawa sanhi ng mga delay at kanselasyon sa mga biyahe.

Isa sa pangmatagalan na solusyon ang ginagawa ngayong pakikipag-usap ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa Department of National Defense (DND) upang mailipat ang lahat ng “general aviation flights” sa Sangley Point sa Cavite City sa loob ng isang buwan. 

May 82 general aviation flights sa NAIA na labis na makapagpapaluwag sa runway kung maililipat.

Lilimitahan rin sa isang flight ang lahat ng tourism flights kada kumpan­ya mula alas-7 ng umaga hanggang alas-4 ng ha­pon. 

Sa kasalukuyan, wa­lang limitasyon ang mga tourism flights. Makakati­pid ng dagdag na 5-7 flights kada araw ang MIAA kung maipatutupad ito.

Ililipat rin ang ilang pang-araw na biyahe sa ibang paliparan na “night rated airports”. Tanging mga piloto na may ranggong Captain na lamang ang papayagan rin ng NAIA na makapag-lift off at makapag-landing ng eroplano upang matiyak ang pagiging episyente.  

CAVITE CITY

DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

ILILIPAT

ISA

KAYA

MANILA INTERNATIONAL AIRPORT AUTHORITY

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

SANGLEY POINT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with