CBCP: Pagsalang ni Corona sa impeachment 'wag pulitikahin

MANILA, Philippines - Umapela si Malolos Bishop Jose Oliveros, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Bioethics sa mga senator-judge at prosekusyon na iwasan ang  pamumulitika sa oras na sumalang na si Chief Justice Renato Corona sa impeachment trial.

Ayon kay Oliveros, nangangamba siya na magamit sa political grandstanding ang nakatakdang pagharap ni Corona sa paglilitis lalo pa’t nalalapit na ang 2013 midterm elections.

Mahalagang pairalin ang paggalang sa bawat sa isa lalo pa’t magandang development ang pagharap ni Corona upang malinawan ang taong bayan sa sinasabing pagtatago niya ng $10 million account.

Show comments