Batang Dominguez suspek na sa Mendiola killing

MANILA, Philippines - Suspek na sa pagpatay sa state witness na si Alfred Mendiola at dalawa pa ang nakababatang kapatid ng Dominguez car­jacking syndicate.

Kinumpirma ni Interior and Local Government Sec. Jesse Robredo na nag-match ang basyo ng bala ng cal. 45 pistol na nakuha sa Brgy. Salawag, Dasmarinas City, Cavite na ginamit sa pagpatay kay Mendiola alyas Bading at dalawang iba pa sa nakumpiskang baril sa suspek na si Ryan Dominguez.

“Yes he (Ryan) is now a suspect,” ani Robredo.

Si Ryan, 20, ang na­ka­babatang kapatid nina Roger at Raymond Dominguez, itinuturong lider ng Dominguez carjacking. Nasakote ang una noong Martes ng gabi sa Brgy. San Agustin, Malolos City, Bulacan sa kasong illegal possession of firearms, explosives and drugs.

Nasamsam sa mga ito ang dalawang sachet ng shabu, dalawang M16 rifles, dalawang ca.l 45 pistol at dalawang hand grenade. Nakumpiska rin ang isang Toyota Innova, Nissan Navara at Subaru mula sa mga suspek.

Ang bangkay ni Mendiola alyas Bading, tiyuhin ng boyfriend nitong si Dave na si Mark An­gelo Herrera at driver na si Eriberto Jumaquio ay natagpuang nakabusal ang bibig, pawang may tama ng bala ng cal.45 pistol sa ulo at nakagapos ang mga katawan noong Mayo 6.

Show comments