Parusa sa botcha masyadong magaan
MANILA, Philippines - Pinamamadali na ng National Meat Inspection Service (NMIS) sa mga mambabatas sa Kamara na magpatupad ng batas na maglalapat ng matinding parusa sa mga taong mahuhulihan ng hot meat o botcha.
Ayon kay NMIS Director Asis Perez, hanggat nananatiling P1,000 hanggang P10,000 at mula 2 buwan hanggang isang taon ang parusa sa mga tiwaling negosyante na nagbebenta ng hot meat hindi pa rin maglalaho ang mga ito dahil sa mababang uri lamang ng penalty.
Binigyang diin ni Perez na kung maitaas ang multa at hatol sa mga mahuhuling nagbebenta ng hot meat, walang dahilan para patuloy na manamantala ang mga tiwaling negosyante sa kanilang modus operandi.
Samantala, muling nagbabala ang NMIS sa mga tiwaling negosyante na seryoso ang kanilang ahensiya sa pagpapatupad ng batas kayat kanilang pagmumultahin at kakasuhan ang sinumang mahuhuling nagbebenta ng double dead na karne.
- Latest
- Trending