Bro. Eddie 'ginoyo' ng pinsan ni Mike A.
MANILA, Philippines - “Si Bro. Eddie Villanueva na ang winalanghiya, siya pa ang inistafa.”
Ito ang pahayag ng kampo ni televangelist Bro. Eddie Villanueva kasabay ang paghaharap ng mosyon sa Court of Appeals na baliktarin ang naunang resolusyon ng Department of Justice na nagsasampa ng estafa case laban sa kanya.
Pormal na iniharap ng abogado ni Villanueva na si Lorna Kapunan ang motion for reconsideration sa CA.
Noong July 2001, nakipag-joint venture ang Zoe Broadcasting Network na pinamumunuan ni Villanueva sa kompanyang EnterNet Corp. ni Benito Araneta, isang malapit na pinsan ni dating First Gentleman Mike Arroyo para pagandahin ang serbisyo ng network.
Ayon sa kampo ni Villanueva, walang batayan ang kasong estafa dahil si Araneta ang naunang sumira sa probisyon ng Kontrata. Ito umano ang dahilan kung bakit pinutol ni Villanueva ang Kontrata noong Marso 2002.
Dahil umano “nakasandal sa pader” si Araneta, nagawa pa nitong i-take-over ang buong operasyon ng Zoe at initsa-puera ang mga Christian programs ng Zoe pabor sa mga blacktime programs ni Araneta.
Sa kabila ng CA ruling, sinabi ni Villanueva na naniniwala pa rin siya sa sistema ng hustisya sa bansa sa ilalim ng pamumuno ni Presidente Noynoy Aquino.
- Latest
- Trending