MANILA, Philippines - Nagsimula nang sumingil ng mas mataas na halaga sa isinusuplay na kuryente ang mga “electric cooperatives” sa Mindanao makaraang payagan na ng Energy Regulatory Commission (ERC).
Nabatid kay Energy Undersecretary Ina Asirit na umaabot sa P.50-P.80 sentimos kada kilowatt-hour ang itinaas ng mga kooperatiba dahil sa mas mahal na bili nila ng kuryente sa mga power generators partikular na sa “power barges” na binigyan na ng otorisasyon ng ERC para mangontrata sa pagsusuplay ng kuryente sa rehiyon.
Sinabi ni Asirit na mararanasan na ngayon ng mga consumer sa Mindanao ang mas mataas na halaga ng kuryente upang maiwasan ang araw-araw na brown-out. Ito umano ngayon ang sinasabi nilang “true cost” ng kuryente.
Nakakaranas pa rin naman umano ang rehiyon ng mula 30 minuto hanggang 1 oras na brown-out dahil sa walo sa 27 electric coops sa Mindanao ay may kakapusan pa rin ng suplay ng kuryente.