^

Bansa

Spratlys isyu sa ASEAN meet

- Ni Rudy Andal -

PHNOM PENH, Cambodia—Sinimulan na ng Association of Southeast Asian Nation-Senior Official’s Meeting (ASEAN-SOM) ang pag-uusap para sa pagpapatupad ng declaration on the code of conduct (COC) of parties in the South China Sea (West Philippine Sea).

Ang pulong ng ASEAN-SOM ay pinangasiwaan ni H. E. Dr. Soeung Rathchavy, secretary of state ng Kingdom of Cambodia.

Isinagawa ang pulong mula noong Marso 31 hanggang Abril 1. 

Produktibo naman ang pulong na tumalakay din sa paghahanda sa gaganaping 20th ASEAN Summit sa November, 10th Meeting ng ASEAN coordinating council, 7th ASEAN Political-Security Community, ASEAN Foreign Ministers Meeting at ang pakikipagpulong ng ASEAN Foreign Mi­nisters sa ASEAN intergovernmental Commission on Human Rights.

Napagkasunduan din ng ASEAN-SOM ang pagtatayo ng ASEAN Institute for Peace and Reconciliation gayundin ang ASEAN Connectivity at ang ASEAN War Free Zone treaty.

Naunang sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na ilalahad ni Pangulong Benigno Aquino III ang posisyon ng Pilipinas ngayon (Abril 3) sa pagpapatupad ng declaration on the code of conduct of parties sa West Philippine Sea.

Umaasa ang Pilipinas na magiging makatotohanan at magkaisa ang ASEAN sa pagpapatupad ng COC, ayon sa mensahe ni Department of Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario sa ASEAN Foreign Ministers meeting dito kahapon.

Ikinatuwa rin ni del Rosario ang katatapos na foreign ministers meeting na nagkasundong tukuyin ang mga pangunahing elemento sa regional code of conduct.

Iginiit din ni del Rosario sa ASEAN-SOM ang commitment ng Pilipinas para sa pagkakaroon ng kapayapaan at katatagan sa rehiyon.

Naniniwala ang Pilipinas na dapat ay magkaisa muna ang ASEAN bilang isang bloke sa babalangkasing COC bago makipagpulong ang ASEAN sa China.

Nais kasi ng China na huwag gawing international issue ang West Philippine Sea disputes kasabay ang panawagan na pag-usapan na lamang ito ng ASEAN-China at walang ibang bansang kasama.

vuukle comment

ABRIL

ASEAN

ASSOCIATION OF SOUTHEAST ASIAN NATION-SENIOR OFFICIAL

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS SECRETARY ALBERT

DR. SOEUNG RATHCHAVY

FOREIGN MI

FOREIGN MINISTERS

FOREIGN MINISTERS MEETING

PILIPINAS

WEST PHILIPPINE SEA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with