MANILA, Philippines - Matapos ang pag-aaral sa hirit na dagdag-sahod, idineklara kahapon ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na P13.00 lamang ang maaring asahang salary increase ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa Metro Manila.
Pahayag ito ni Baldoz kahapon sa gitna ng patuloy na panawagan ng grupo ng mga obrero na pagbigyan na ang hiling nilang P90.00 umento sa arawang sahod ng mga minimum wage earner.
Paliwanag ni Baldoz, ibinatay nila ang naturang halaga sa kasalukuyang consumer price index na nasa pagitan lamang ng 3 hanggang 5 porsiyento.
Gayunman, nilinaw niya na ang nasabing ka ragdagang sweldo na P13.00 ay maipatutupad lamang sa oras na mapaso na ang 1-year ban sa salary increase sa da rating na Mayo 26 ng taong kasalukuyan.
Una nang nanawagan ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), isang samahan ng ibat-ibang grupo ng mga manggagawa sa DOLE na huwag balewalain ang kanilang hiling na ipagkaloob ang nararapat na halaga ng kompensasyon ng mga manggagawa.? Ang kasalukuyang suweldo umano ng mga nagtatrabaho sa Metro Manila ay hindi na nakasasapat sa arawang gastusin bunsod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.