^

Bansa

P13 umento sa sahod sa MM

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Matapos ang pag-aaral sa hirit na dagdag-sahod, idineklara ka­hapon ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na P13.00 lamang ang maaring asa­hang salary increase ng mga manggagawa sa pri­badong sektor sa Metro­ Manila.

Pahayag ito ni Baldoz kahapon sa gitna ng pa­tuloy na panawagan ng grupo ng mga obrero na pagbigyan na ang hiling nilang P90.00 umento sa arawang sahod ng mga minimum wage earner.

Paliwanag ni Baldoz, ibinatay nila ang natu­rang halaga sa kasalukuyang consumer price index na nasa pagitan lamang ng 3 hanggang 5 porsiyento.

Gayunman, nilinaw niya na ang nasabing ka­ ragdagang sweldo na P13.00 ay maipatutupad lamang sa oras na mapaso na ang 1-year ban sa salary increase sa da­ rating na Mayo 26 ng taong kasalukuyan.

Una nang nanawagan ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), isang samahan ng ibat-ibang grupo ng mga manggagawa sa DOLE na huwag balewalain ang kanilang hi­ling­ na ipagkaloob ang na­rarapat na halaga ng kompensasyon ng mga manggagawa.? Ang kasalukuyang suweldo umano  ng mga nagtatrabaho sa Metro Manila ay hindi na nakasasapat sa ara­wang gastusin bunsod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.

BALDOZ

GAYUNMAN

LABOR SECRETARY ROSALINDA BALDOZ

MATAPOS

METRO MANILA

PAHAYAG

PALIWANAG

SHY

TRADE UNION CONGRESS OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with