^

Bansa

Super lindol nakaamba?

- Al G. Pedroche -

MANILA, Philippines - Anumang oras ay isang magnitude 9 earthquake ang yayanig umano sa daigdig na ang pinakamalubhang tatamaan ay ang California, USA ngunit makakaapekto rin sa ibang bansa na nasa tinatawag na “ring of fire”.

Sa ulat sa website ng Terral03.com na nagsasabing batay sa kanilang research, ang naturang lindol ay magiging dahilan umano ng pagtagilid ng mundo ng 5 pulgada mula sa axis nito.

Ayon pa sa nabanggit na website, ang scientific prediction ay batay sa 188-Day Cycle pattern of seismicity na inoob­serbahan sapul pa noong 1965. Sa loob ng cycle na ito, nangyari ang lindol sa Chile, Japan, at ang naganap sa Fiji nitong nakalipas na ilang buwan. Sa lahat daw ng mga pagyanig na ito, nagkaroon na ng pagtagilid ang daigdig na kabuuang 3-pulgada mula sa axis nito.

Ang pahimakas daw ng pangyayaring ito ay ang pagiging aktibo ng mga bulkan (bagay na nangyayari dito sa atin at ibang bansa) at ang maramihang paglikas ng mga hayop. 

Bunsod nito, isang 21-araw na prayer and fasting ang inilunsad ng Intercessors for the Philippines simula Marso 15 hanggang Abril 4 upang mapigil ang malakas na lindol.

Ayon kay Bishop Dan Balais na nangunguna sa IFP, bagamat hindi dapat agad paniwalaan ang report, bunga ng mga sunud-sunod na lindol, marapat lamang na magkaroon ng tunay na pagbabalik-loob sa Diyos ang mga tao sa pamamagitan ng taimtim na pagsisisi, pananalangin at pag-aayuno.

Ayon kay Balais, malinaw ang mensahe ng Diyos na dapat magbalik-loob sa kanya ang lahat ng tao kagaya ng isinasaad sa 2 Chronicle 7:14 na nagsasabing “if my people, who are called by my name, will humble themselves and pray and seek my face and turn from their wicked ways, then will I hear from heaven and bless their land”.

Sinabi naman ng Philippine Atmospheric and Geophysical Agency (PAGASA) na walang dapat ikaalarma sa balita dahil wala pang ano mang teknolohiya para matukoy nang may katiyakan ang pagdating ng lindol.

ABRIL

ANUMANG

AYON

BISHOP DAN BALAIS

BUNSOD

DAY CYCLE

DIYOS

MARSO

PHILIPPINE ATMOSPHERIC AND GEOPHYSICAL AGENCY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with