MANILA, Philippines - Kung paramihan ng advertisements ang pag-uusapan, siksik, liglig at umaapaw ang PSN pagdating diyan.
Base sa record ng mga tabloid sa kasalukuyan, nasungkit ng Pilipino Star NGAYON - sa Display Ads - ang 30.29% market share na sinundan ng tabloid B na may 28.76% at 24.16% lang ang tabloid A noong nakaraang 2011.
Ang Display Ads ay ads na nakalagay sa premium pages o mga importanteng pahina ng isang tabloid tulad ng news, showbiz at sports.
Pagdating sa Classified Ads, nangunguna pa rin ang Pilipino Star NGAYON - 34.06% ang market share na sinundan ng tabloid A na may 33.11% at 32.50% lang ang tabloid B noong pa ring 2011.
Ang laki ng share sa display and classified ads ang malinaw na basehan na nasa no. 1 position ang tabloid na halos tatlong dekada na.
Para rin kasing TV show ang isang tabloid. Kung anong show ang mataas ang rating, ‘yun ang tambak ang patalastas.
Araw-araw ay may nagmo-monitor ng mga advertisements na lumalabas sa lahat ng diyaryo – nakalatag ang lahat ng tabloid at doon nakikita kung alin sa tatlong naglalaban-laban ang may pinaka-maraming ads sa araw-araw.
Pukpukan ang labanan sa tabloid lalo na nga’t marami pang ibang nagsusulputan. Pero hindi apektado ang rami ng ads ng dyaryong ito. Sa katunayan, nadadagdagan pa.
Totoo, may araw na mas marami ang mga kalaban, pero sa kabuuan nangunguna ang PSN.
Isang factor kung bakit patok ang PSN sa mas maraming advertisers ay ang pagiging wholesome ng tabloid (na nagkaroon na ng sister tabloid Pang Masa (PM) na nakakasiyam na taon na) walang malaswa, fresh at totoo ang mga balita. Walang imbento at panloloko sa mga mambabasa.
Isa pang malinaw na basehan, oras na ilabas nila ang isang ad sa PSN na may kasabay na isa, dalawa o tatlong tabloid madalas nababasa ng mga nag-response sa kanilang advertisement, galing sa dyaryo namin.
“Ganun usually ang nangyayari. Oras na magtanong na ang nagpa-ads sa mga nag-inquire sa kanila, sa PSN ang kadalasang sagot. Overwhelming talaga ang response kaya talagang nakakatuwa. Tingnan mo naman ngayong anniversary natin, 100 pages tayo. Last anniversary (25th), 100 pages din tayo. Parang broadsheet ang dami,” imporma ng advertising manager ng na si Mr. Jun Aluad.
Wala nga namang tabloid na naglalabas ng 100 pages sa isang anniversary issue. Ang mga kalaban, hindi umaabot ng 50 pages.
Nakadagdag pa rin kung bakit maraming nagpapa-ads ay dahil kasalukuyan na ring nasa iTunes (may separate story sa ibang pahina) ang PSN na mada-download ninyo ng libre.
Iba ang market na nasa iPad at iba ang mga nagbabasa ng mga kopya sa papel na pinagsama ng PSN kaya umaapaw ang ads sa pahayagang ito.
At bilang pasasalamat sa masugid na mambabasa namin, last Thursday March 15 ay sinimulan ang pa-contest na nagbibigay halaga sa kaalaman o karunungan ng mga mambabasa - MAGBASA AT MANALO! PERA LINGGU-LINGO.
Madaling-madali lang sumali. Magbasa lang ng PSN at ilagay lahat ng impormasyong kailangan (may ibang istorya sa ibang pahina para sa kumpletong detalye) at ihulog lang sa mga drop boxes o ipadala sa tanggapan ng Pilipino Star NGAYON.
Tatagal ang pasasalamat promo ng limang buwan.