Pinoy centenarians pararangalan
MANILA, Philippines - Aprubado na sa Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang bigyan ng pagkilala at benepisyo ang mga Filipino na aabot sa edad na 100.
Sa ilalim ng “Centenarians Act of 2012” (House bill 834) na akda ni Albay Rep. Edcel Lagman, ang Setyembre 25 ay idedeklara ring National Respect for Centenarians Day.
“Philippines is now on the threshold of joining many countries like Sweden, Japan, the United states, the United Kingdom, Ireland and Italy which have a long and noble tradition of honoring their centenarians with congratulatory messages form heads of State, financial assistance and other economic benefits,” ani Lagman.
Ang mga magdiriwang ng kanilang ika-100 kaarawan ay tatanggap ng P100,000 mula sa gobyerno at isang congratulatory letter mula sa Pangulo ng bansa.
Ang lokal na pamahalaan kung saan nakatira ang centenarian ay hinihikayat ding magbigay ng cash reward. Padadalhan naman ng plake ng pagkilala ng gobyerno ang pamilya ng mga namatay ng Filipino na umabot ng 100 anyos.
- Latest
- Trending